Tila nag-iba ang ihip ng hangin sa pagitan ni Quezon City Mayor Herbert Bautista at ang Queen of All Media na si Kris Aquino.
Ayon sa hindi pinangalanang source, sa set ng pelikula ni Kris na Etiquette for Mistresses isang Sorresa umano ang inihanda ni Mayor Bistek para kay Kris.
Dumalaw ang alkalde at may kasama pang catering at tila isang guardia sibil naman daw na nakabantay kay Kris si Mayor Bistek at sweet na sweet umano ang dalawa.
Isang post naman ni Kris sa kanyang Instagram ang tila may kaugnayan sa muling pagkikita nila ni Mayor Bistek ito ay nagpapakita ng isang sweet couple at may caption na “Love is….patching things up”.
By Jenny Valencia