Nakatakdang ilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kautusang magtatapyas sa taripa sa imported na isda, mais, gulay at trigo upang maibsan ang inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Ayon sa ekonomistang si Albay 2nd District Representative Joey Salceda, ilalabas ni Pangulong Duterte ang executive order sa sandaling magsimula ang labing-isang araw na recess ng kongreso sa susunod na linggo.
Kabilang ang tariff reduction sa imported products sa counter-inflation measures na napagkasunduan nina House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, iba pang leader sa Kamara at economic advisers ng Pangulo.
Gayunman, inalis aniya sa listahan ng mga tatapyasan ng taripa ang inaangkat na karne matapos manawagan ang mga industry leader sa Malacañang.
—-