Walang dapat ipangamba ang publiko para sa 2019 midterm elections .
Sagot ito ng Commission on Elections o Comelec sa panukala ni Bayan Muna Party-list Representative Isagani Zarate na ibalik sa mano-mano ang botohan at bilangan ng boto dahil sa kawalan umano ng kredibilidad ng automated election.
Binigyang diin ni Comelec Spokesman James Jimenez na Comelec ang bahala sa bilangan ng boto ng mga botante dahil nabili na ng ahensya ang mga vote-counting machines.
Nanindigan si Jimenez na lahat ng teknolohiya na ginamit ng Smartmatic sa mga nakaraang automated elections ay hawak na ng Comelec kung kaya’t maliit lamang ang tiyansa na mapakilaman ng naturang kumpanya ang isasagawang halalan sa bansa.
—-