Nasabat ng Bureau of Customs ang halos 40 milyong pisong halaga ng asukal na inabandona sa Port of Manila.
Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña, idineklara ang natagpuang kontrabando bilang kitchen utensils, at packaging materials, ngunit nang inspeksyunin, tumambad ang mahigit 22,000 sako ng asukal.
Lumalabas sa imbestigasyon ng customs na buwan ng Hunyo at Hulyo pa dumating sa bansa ang mga containers mula sa Thailand.
Naka-consign ang shipment sa kumpanyang Red Star Rising Corporation na naka address sa Binondo, Maynila.
Nananatili sa BOC ang mga “misdeclared items”, habang kinansela na ang lisensya ng importer nito.