Napanatili ng Bagyong Karding ang lakas nito habang patuloy na tinatahak ang pa-hilagang direksyon.
Ayon sa PAGASA, hindi na tatama pa sa anumang bahagi ng kalupaan ng bansa.
Huling namataan ang naturang bagyo sa layong isanlibo at pitumpu’t limang kilometro hilagang silangan ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging nasa pitumpu’t limang kilometro kada oras malapit sa gitna at pabugsong nasa siyamnapung kilometro kada oras.
Samantala ang isa pang bagyo na nasa labas naman ng Philippine Area of Responsibility ay huling namataan sa layong isanlibo at animnapu’t limang kilometro kanluran ng dulong hilagang luzon.
Taglay naman nito ang lakas ng hanging nasa limampu’t limang kilometro kada oras malapit sa gitna at may pabugsong nasa pitumpu’t limang kilometro kada oras.
Ang dalawang bagyong ito ang nagpapalakas sa southwest monsoon o habagat na magdadala ng malawakang katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa Batanes, Babuyan group of islands, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region at western section ng Central Luzon.
Maliban dito, asahan pa rin ang mga pag-ulan sa bahagi ng Metro Manila, Mindoro provinces, CALABARZON at nalalabing bahagi ng Cagayan Valley at Central Luzon.