Aabot sa limampung libong food boxes ang ipinamahagi ng Department of Social Welfare and Development sa mga residente ng Boracay.
Ito ay bahagi ng patuloy na ayuda ng pamahalaan sa mga residenteng naapektuhan ng pansamantalang pagpapasara ng isla.
Laman ng naturang mga food boxes ang anim na kilo ng bigas, mga de lata at iba pang food items.
Ayon kay DSWD Region 6 Action Officer Lisa Camacho, inilagay na sa mga kahon ang mga food packs upang maiwasan na ang mga insidente ng pagkasira nito.
Target aniya mabigyan ng ayudang ito ang mga pamilyang nabigyan ng disaster assistance family access card.