Magiging simple lamang ang paggunita sa ika-anim na anibersaryo nang pagkamatay ni dating Interior Secretary Jesse Robredo sa August 18.
Pinabatid ito ni Vice President Leni Robredo na nagsabing bibisita lamang sila sa eternal gardens kung saan nakalibing ang asawa bago isagawa ang isang misa sa Jesse M. Robredo Museum.
Matapos ang misa sa musem, inihayag ng bise presidente ang idaraos ditong isang programa kasabay ang launching ng biography ng dating opisyal na ginawa ng isang indibidwal.
Magugunitang August 18 nang masawi si Robredo matapos bumagsak ang sinasakyan nitong eroplano sa karagatang sakop ng Masbate.