Inaasahan na ng Pangulong Rodrigo Duterte ang mga naglulutangang problema at hamon sa isinusulong na federalismo.
Sa gitna na rin ito nang pag-kontra ng economic managers ng Pangulo sa pederalismo.
Ayon sa Malakanyang, batid na ng Pangulo ang mga hamon sa usapin ng federalismo lalo na ang pagpapaliwanag nito sa publiko.
Sa pag-iikot ng Pangulo kasama ng ilang miyembro ng gabinete karamihan sa mga nakakaharap nila ay hindi interesadong pakinggan ang federalismo kayat pinakamalaking trabaho dito ay pagkakaruon ng awareness at pagpapa intindi sa mga mamamayan.
Bagamat nasa Kongreso na ang draft ng federal constitution, asahan na umano itong magiging long shot o pahirapan ang pagpapasa gayundin ang transition period sakaling maging federal na ang sistema ng gobyerno.
Pinare-resolba ng Pangulo ang hindi pagkakaintindihan sa federalismo
Pinare-resolba ng Pangulong Rodrigo Duterte sa mga miyembro ng gabinete ang anumang hindi pagkakaunawaan sa isyu ng federalismo.
Sa gitna na rin ito ng agam-agam ni Father Ranhilio Aquino, miyembro ng consultative committee sa determinasyon ng pangulo na isulong ang federalismo matapos itong kontrahin nina Finance Secretary Carlos Dominguez at NEDA Director General Ernesto Pernia.
Una nang tiniyak ni Presidential Spokesman Harry Roque na nananatiling advocate ng federalismo ang Pangulong Duterte at bahagi ng polisiya nito ang pagsama sa iba’t ibang grupo at sektor.