Kasado na ang market holiday ng 7 pampublikong palengke sa lungsod ng Maynila.
Kabilang sa magsasagawa ng market holiday sa September 14 ang mga palengke ng Trabajo, Sampaloc, Pritil, Quinta, Dagohoy, San Andres at Sta. Ana.
Mahigpit na tinututulan ng alyansa ng market vendors na tinaguriang SAMPAL o Save Manila Public Market Alliance sa ordinansa na nagbibigay kay Manila Mayor Joseph Erap Estrada ng kapangyarihang pumasok sa kasunduan para isapribado ang mga nasabing palengke.
Ayon sa grupo, 17 na ang mga pampublikong pamilihang isasapribado ng Manila City government, base na rin sa joint venture agreement.
By Judith Larino | Aya Yupangco (Patrol 5)