Patay ang pitong miyembro ng BIFF at 11 ang sugatan nang bombahin ng militar ang kanilang kampo sa Maguindanao.
Ayon sa report mula sa tactical command post ng 601st brigade ng Philippine Army, namataan ng mga sundalo ang grupo ni Shiek Esmail Abdulmalik alias “Kumander Abu Toraife” sa Barangay Pusao sa bayan ng Mamasapano.
Kaagad nagsagawa ng mortar shelling ang field artillery battalion ng Philippine Army at binomba ang kuta ng mga terorista gamit ang 105 millimeter howitzers cannon.
Kaagad namang lumikas ang mga sibilyan sa area dahil sa takot na maipit sa bakbakan.
Patuloy ang isinasagawang combat clearing operations ng joint task force central ng militar laban sa grupo ni Toraife.