Bagama’t inihayag ni Pangulong Noynoy Aquino na hindi pa ito sumusuko sa pag-asam na mahihimok si Sen. Grace Poe para maging running mate ni Sec. Mar Roxas, nagsimula na umanong maghanap ang Liberal Party ng itatambal sa pambato ng partido.
Ayon kay Senate President at Liberal Party Vice Chairman Franklin Drilon, ito’y upang maging handa ang kanilang partido sa anumang mangyayari bago ang paghahain ng Certificate of Candidacy sa susunod na buwan.
Una nang hiniling ni Drilon na mag-convene ang national executive committee ng partido para makapag-nominate na sila ng magiging vice president ni Roxas.
By: Jelbert Perdez | Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)