Ipinaliwanag ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) ang magiging bayaran sa mga empleyadong papasok sa August 21, araw ng Martes.
Kasunod na rin ito ng deklarasyon ng Malacañang na regular holiday ang August 21 para sa tinaguriang Eid al-Adha o Feast of Sacrifice ng mga kapatid na Muslim bukod pa sa pagiging special non-working holiday nito dahil sa paggunita naman bilang Ninoy Aquino Day.
Ayon sa NWPC, para sa regular holiday kung ang empleyado ay papasok sa trabaho sa August 21, bayad siya ng 200% ng kaniyang basic pay at kaniyang cost-of-living adjustments o COLA.
Mayroon pa anito siyang dagdag na 30% ng kaniyang basic pay na imu multiply sa 200% para naman sa special non-working holiday.
Sa kabuuang ang manggagawang magta trabaho sa August 21 ay tatanggap ng 260% ng basic pay at doble ng kaniyang COLA.
—-