Pumirma sa kanyang kauna-unahang exclusive contract sa Kapamilya Network ang aktres na si Beauty Gonzales.
Ayon kay Beauty, hindi niya maipaliwanag ang saya at excitement na naramdaman nang mabigyan ng kontrata matapos ang ilang taon sa bakuran ng Kapamilya network.
Sinabi pa ni Beauty, kabilang sa kanyang magiging unang proyekto kasunod ng contract signing ang isang teleserye.
Magugunitang, nitong mga unang buwan nang taon, nabalita ang pag-oover da-bakod na umano ni Beauty sa Kapuso Network pero matapos lamang ang dalawang buwan ng kanyang launching ay nagbalik ito sa Kapamilya Network.