Lalagdaan na ng Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na linggo ang Occupational Safety Health Law.
Layon ng naturang batas na palakasin ang karapatan ng mga manggagawa sa ilalim ng Occupational Safety and Health Campaign Standards.
Sinabi ng Palasyo na titiyakin ng batas na mabibigyan ng tamang proteksyon ang mga manggagawang mapapahamak sa pagganap ng kanilang tungkulin.
Nais anito ng pangulo na tiyakin ng mga employer, contractors at project owners na sumunod sa mga panuntunan para matiyak ang kaligtasan ng mga empleyado sa kani kanilang workplace area.
Mananagot sa ilalim ng umiiral na labor laws ang mga employer na hindi makakapagbigay ng tamang ayuda sa kanilang mga manggagawa kapag napahamak sila habang gumaganap sa kanilang mga tungkulin sa kani kanilang kumpanya.