Opisyal nang nagbukas ang 2018 Asian Games sa Jakarta, Indonesia.
Pinangunahan ni Indonesian President Joko Widodo ang opening Ceremony sa Gelora Bung Karno stadium sa Jakarta.
Libu-libong atleta at coaches mula sa apatnapu’t limang bansa ang dumalo sa seremonya bitbit ang kani-kanilang watawat at traditional costumes.
Nagsilbing flag-bearer para sa Pilipinas ang Cleveland Cavaliers pointguard na si Jordan Clarkson suot ang Barong Tagalog.
Bukod sa Jakarta, co-host din ang lungsod ng Palembang sa 18th Asian Games na magtatapos naman sa Setyembre 2.