Muling binatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Amerika dahil sa pakikialam nito sa usaping panloob ng Pilipinas.
Ito’y kasunod ng naging banta ni US Assistant Secretary of Defense for Asia and Pacific Security Affairs Randall Schriver hinggil sa pinaplanong pagbili ng mga submarine ng Pilipinas sa Russia.
Ayon sa Pangulo, walang sinumang bansa lalo na ang Amerika ang may karapatan na manghimasok sa mga usaping panloob ng Pilipinas bilang isang malayang bansa.
Kasunod nito, muling inihayag ng Pangulo ang planong assassination o pagpatay sa kaniya ng CIA o Central Intelligence Agency ng Amerika dahil sa naturang plano.
—-