Posibleng matanggalan ng permit ang paaralan sa Camarines Sur na nagsunog ng bags ng mga estudyante bilang parusa.
Maliban dito, nanganganib rin umano ang taon-taong financial assistance na ibinibigay ng pamahalaan sa mga pribadong paaralan na may junior at senior high schools.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, maaari itong irekomenda ng independent body na nag-iimbestiga sa insidente bukod pa sa sariling imbestigasyon ng Department of Education o DepEd.
Sinabi ni Briones na maaari ring magsampa ng kaso ang mga magulang ng mga estudyante dahil maraming mahahalagang gamit tulad ng laptop at cellphone ang nasa bag nang sunugin ang mga ito.
Matatandaan na sa isang video, makikita na pinalinya ang mga estudyante upang panoorin ang pagsunog sa kanilang bags habang sinisigawan sila ng isang lalake ng “stupid pala kayo eh”.
—-