Kinasuhan ng grupo ng mga transport network vehicle service driver at operator si PBA Partylist Rep. Jericho Nograles.
Si Nograles ang nagreklamo sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mataas na pasahe ng Grab partikular ang two peso per minute charge ng Grab noong Abril na rason anila ng pagbaba ng kanilang arawang kita.
Limang milyong pisong damage suit ang inihain ng mga Grab drivers at operators sa pangunguna ni Winson Esteras laban kay Nograles kaugnay sa suspensyon ng kontroberysal na two peso per minute charge.
Inihirit din ng mga drivers at operators sa LTFRB na ibalik ang nasabing singil upang mapunan ang kakapusan sa kanilang kita.
Samantala, hindi naman nagulat ang kongresista sa hakbang ng mga Grab operators at drivers na aniya’y ganti sa kanyang pagharang sa two peso per minute charge.