Tinanggap na ng teroristang grupong Taliban ang imbitasyon ng Russia na lumahok sa regional talks sa Moscow bilang bahagi ng usapang pangkapayapaan para sa Afghanistan.
Ayon kay Zamir Kabulov, kinatawan ni Russian President Vladimir Putin sa Afghanistan, magaganap ang pulong sa Setyembre 4.
Layunin nito na wakasan na ang 17-taong digmaan sa Afghanistan na sinimulan ng Estados Unidos.
Ilang beses na aniyang nagpulong ang mga Russian official at mga kinatawan ng Taliban subalit labas sa usapan ang Amerika.
Ito ang unang beses na tumanggap ng imbitasyon ang Taliban mula sa isang makapangyarihang bansa.
—-