Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na pagnilayan at kilalanin ang ipinakitang katapangan at kabayanihan ni dating Senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr. bilang pagsasakripisyo sa bansa.
Ito ang naging mensahe ng Pangulo sa paggunita sa anibersaryo ng kamatayan ni Ninoy Aquino ngayong araw.
Ayon kay Pangulong Duterte, kailangan pa ng Pilipinas ang mas marami pang katulad ni Aquino na gagabay para sa mas maayos at maunlad na bansa sa hinaharap.
Dagdag pa ni Pangulong Duterte, nawa’y maging gabay din ng mga kasalukuyang lider ng bansa ang ipinamalas na dedikasyon ni Aquino para sa kapakanan ng mga Pilipino lalo na ang mga mahihirap at naaapi.
BASAHIN: Mensahe ni Pangulong Duterte para sa Ninoy Aquino Day. pic.twitter.com/pog2gHYreJ
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) August 20, 2018
—-