Lalo pang tumaas ang presyo ng bigas sa nakalipas na walong buwan kahit patuloy ang pagdating ng imported rice.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), umabot na sa P43.18 ang kada kilo ng wholesale na well-milled rice ngayong Agosto kumpara sa dating 38 pesos, noong isang taon.
Dahil dito, tumaas ang average retail price sa P45.71 centavos kada kilo.
Umabot naman sa P40.08 kada kilo ang wholesale price ng regular-milled rice kumpara sa dating 35 pesos noong isang taon dahilan upang tumaas ang retail prices P42.26 kada kilo.
Samantala, nilinaw ng National Food Authority (NFA) na wala pang epekto sa inaasahang pagbaba ng presyo ang mga inimport ng bigas.
—-