Papasok na rin ang Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police (PNP) upang tumulong sa pagmamando ng trapiko sa Kamaynilaan.
Ayon kay Police Superintendent Oliver Tanseco, tagapagsalita ng Highway Patrol Group (HPG) ng PNP, dalawampung (20) commandos ang inatasang tumulong sa kanilang hanay.
Kasunod nito, pinag-aaralan na rin ng HPG na gawing 24-oras ang pagtatao nila sa kalsada upang masigurong magiging maayos pa rin ang daloy ng trapiko kahit gabi o madaling araw.
Ginawa ni Tanseco ang pahayag makaraang gulantangin na naman ang maraming kababayang naistranded dahil sa matinding trapik bunsod ng pagbuhos ng malakas na ulan kamakalawa.
By Jaymark Dagala