Pinawi ng Department of Agriculture o DA ang pangambang kontaminado ng formalin ang mga galunggong na aangkatin sa China at iba pang bansa.
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, maaari namang idaan sa pagsusuri ang mga galunggong upang matiyak na ligtas itong kainin.
Sinabi ni Piñol na posibleng sa Setyembre dumating ang unang shipment ng mga imported na galunggong.
Wala aniyang babayarang taripa kung magmumula ito sa Vietnam at China samantalang limang porsyento ang taripa kung magmumula ito sa Taiwan.
Inaasang mapapababa ng mga imported na galunggong ang presyo ng mga lokal na galunggong na ngayon ay umaabot na sa 160 hanggang 170 pesos ang kilo.
—-