Magsasagawa ng “dry run” ang gobyerno para sa nakatakdang pagbubukas muli ng isla sa Oktubre.
Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, posibleng gawin ito sa October 15 hanggang October 25, 2018 kung saan bubuksan muna ito sa mga lokal na turista partikular mula sa Aklanon.
Sinabi ni Cimatu na sa pamamagitan ng dry run na ito ay matutukoy kung ano pa ang mga kulang at kailangan gawin bago ito tuluyang muling buksan sa maraming turista.
Samantala, kinumpirma din ng opisyal na kanilang pinalawig ang one-stop shop operation sa isla mula August 25 hanggang September 7 ng kasalukuyang taon.
Nakatakdang muling magbukas sa publiko ang Boracay matapos pansamantalang ipasara upang isailalim sa rehabilitasyon.