Ibinasura ng Korte Suprema ang hirit ni Senador Leila de Lima na dumalo sa oral argument kaugnay sa petisyong kumukuwestyon sa pagkalas ng Pilipinas sa Rome Statute ng International Criminal Court o ICC.
Sa botong 10-3, nanindigan ang High Tribunal na hindi uubrang dumalo si De Lima dahil wala itong bagong argumentong naiprisinta sa kanyang motion for reconsideration.
Una nang ibinasura ng SC ang kahilingan ni De Lima na personal na dumalo sa oral argument bilang isa sa mga petitioner kung saan ikinunsidera ang seguridad na kailangang ilatag kapag lumabas ang senador ng PNP Custodial Center sa Camp Crame.
Ipinag-utos naman ng High Tribunal ang pagpapatuloy ng oral argument sa August 28.
—-