Nag-iwan agad ng pinsala ang pagtama sa kalupaan ng Typhoon Cimaron sa Western Japan.
Ayon sa ulat, nasa halos 100,000 bahay ang nawalan ng suplay ng kuryente bunsod ng napakalakas na hanging dala ng bagyo.
Maliban dito, naapektuhan rin ang daan-daang flights kung saan nakasenla ang biyahe ng nasa mahigit tatlongdaang flights.
Dahil dito, pinapayuhan ang mga apektadong residente na magdoble ingat dahil mas malaking pinsala pa ang inaasahan sa pagtama ng Typhoon Cimaron.