Ipagpapatuloy ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang “dry run” ng expanded HOV traffic scheme.
Ito, ayon kay MMDA General-Manager Jojo Garcia, ay matapos magkasundo ang Metro Manila Council o MMC sa isang special session na pinangunahan ng MMDA.
Nakatakda naman anyang makipag-dayalogo ang MMDA sa Malakanyang at mga miyembro ng Kongreso upang kumbinsihin na mahalaga ang nasabing hakbang.
Gayunman, nilinaw ni MMC President at Quezon City Mayor Herbert Bautista na hinihintay pa nila ang assessment ng expanded hov na ang layunin ay hikayatin ang mga motorista na mag-carpool upang mabawasan ang masikip na daloy ng trapiko sa EDSA.
Samantala, nagkasundo rin ang Metro Manila mayors na taasan ang multa sa illegal parking kung saan P 1,000 para sa mga attended vehicles, P2,000 sa mga unattended vehicles habang P1,000 sa mga bus na dumaraan sa yellow lane sa EDSA mula sa kasalukuyang P500.