May kahahantungan pa rin ang inihaing impeachment laban kay Supreme Court Associate Justice Teresita De Castro.
Ito’y ayon kay genuine minority congressman at Albay Rep. Edcel Lagman ay kahit pa hindi na magbubunga pa sa House Committee on Justice ang reklamo bunsod ng nakatakdang pagreretiro ni De Castro sa buwan ng Oktubre.
Ayon kay Lagman, magsisilbi aniyang batayan ang mga akusasyong ibinabato sa kanya sa impeachment kung sasampahan ito ng kaso pagkatapos ng termino nito sa Hudikatura.
Gayunman, kuntento na rin si Lagman na kahit pa hindi nila napatalsik si De Castro, nagawa naman aniya nilang ipakita sa publiko na hindi ito kuwalipikado na hawakan ang pinakamataas na posisyon sa Hudikatura.
Kahapon, inanunsyo na ni Justice Secretary at JBC o Judicial and Bar Council ex-officio member Menardo Guevarra ang pagkakatalaga kay De Castro bilang bagong Punong Mahistrado ng high tribunal.