Isinusulong ni Senadora Cynthia Villar sa Senado ang tuluyang pagbuwag sa National Food Authority (NFA) dahil sa pagiging inutil nito.
Iyan ang inihayag mismo ni Villar dahil sa bigo naman itong gampanan ang kanilang mandato na tulungan ang mga lokal na magsasaka gayundin ang lahat ng mga kumokonsumo ng bigas.
Sakali aniyang maisabatas na ang nakabinbing Rice Tarrification Bill, malaya nang makapag-aangkat ng bigas ang Pilipinas at inaasahang malaki ang tulong na maibibigay nito sa mga magsasaka.
Binira rin ni Villar ang Philippine Competition Commission (PCC) dahil sa kabiguan nitong sugpuin ang rice cartel sa bansa na isa sa mga pangunahing dahilan kaya’t nananatiling mataas ang presyo ng bigas sa mga pamilihan.