Kinumpirma ni Western Samar Representative Mel Senen Sarmiento ang kaniyang pagbibitiw bilang kinatawan ng nasabing distrito sa Kamara.
Ito’y upang tutukan ang kaniyang bagong tungkulin bilang kalihim ng Department of Interior and Local Government o DILG.
Aniya, pormal na siyang naghain ng kaniyang pagbibitiw at malugod naman itong tinanggap ni House Speaker Feliciano Belmonte.
Kasabay nito, sinabi ni Sarmiento na nag-file na rin siya ng leave of absense sa Partido Liberal bilang Secretary General.
Pinawi rin ni Sarmiento ang pangamba na baka magamit ang buong DILG sa pangangampaniya ni outgoing Secretary Mar Roxas.
By Jaymark Dagala