Idinepensa ng Malacañang ang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na isama sa kaniyang biyahe patungong Israel ang mga paretirong opisyal ng militar at pulis.
Ito’y matapos batikusin ni Senador Panfilo Lacson ang nasabing balak ng Pangulo na umano’y bilang pabuya para sa mga opisyal ng militar at pulis na nagsilbi sa bayan.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi lamang bakasyon ang sadya ng mga isasamang militar at pulis kundi mayroon din aniya silang importanteng papel sa nasabing byahe ng pangulo.
Isa na rito umano ang pakikipagpulong nila sa kanilang counterpart upang talakayin ang tungkol sa extremism at terorismo.
Nakatakdang bumiyahe si Pangulong Duterte sa Israel sa September 2 hanggang September 5.
—-