Minaliit ng Malakanyang ang panibagong kasong isinampa sa International Criminal Court (ICC) sa the Hague, Netherlands laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay kaugnay sa mga umano’y ‘extra judicial killings’ sa ilalim ng war on drugs ng administrasyong Duterte.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, kumpiyansa silang walang kahihinatnan ang kasong isinampa laban sa pangulo.
Sinabi ni Roque na hindi dapat kumikilos ang ICC maliban na lamang kung mapapatunayan na ang mga local courts ay walang ginagawang pagkilos sa mga nasabing reklamo.
Nabatid na isinampa ng grupong rise up for life and for rights at ilang pamilya ng mga umano’y napatay sa kampanya kontra iligal na droga, sa tulong ng National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL).