Inihayag ng Department of Foreign Affairs o DFA na iniimbestigahan na ng Philippine Embassy sa Wellington ang sinasabing ‘exploitation’ o pananamantalang nararanasan ng mga manggagawang Pinoy sa New Zealand.
Ayon kay DFA Assistant Secretary Elmer Cato, nakipagpulong na ang mga kinatawan ng embahada sa mga apektadong Overseas Filipino Workers (OFWs) sa naturang bansa.
Una nang natuklasan sa pag-aaral ng Etū Union na tinatayang 45 Filipino respondents ang nalalantad sa nabanggit na karanasan.
Sinasabing nasa 16 hanggang 19 US dollars lamang kada oras ang natatanggap na sahod ng ilang Filipino construction workers na malayo kumpara sa suweldo ng mga residente sa lugar na 35 US dollars kada oras.
—-