Maaaring kapusin ang produksyon ng durian sa Mindanao sa susunod na dalawang taon dahil sa climate change na magreresulta naman sa pagtaas ng presyo ng nabanggit na prutas.
Ayon kay Candelario Miculob, Pangulo ng Durian Industry Council of Davao City, noon lamang 2014 ay bumaba sa 62,700 metric tons ang durian production kumpara sa 70,000 metric tons noong 2013.
Kabilang sa mga sanhi ng pagbaba ng produksyon ang pagtama ng mga bagyo tulad ng super typhoon Pablo noong 2012 at nakadagdag din sa problema ang mahabang tagtuyot.
Sa halip na magtanim ng durian ay mas pinili ng mga magsasaka na ang pagpo-produce ng ibang high-value crops gaya ng cacao dahil aabutin lamang ng tatlong taon bago ito mamunga kumpara sa durian na limang taon bago mamunga.
Inaasahan aniya nilang mas mababa sa 62,000 metric tons ang produksyon ngayong taon kaya’t asahan na ring papalo sa P45 peso per kilo ang durian kumpara sa P20 kada kilo sa mga nakalipas na taon.
By Drew Nacino