Sinegundahan ng Department of Health o DOH ang pahayag ni Agriculture Secretary Manny Piñol na ligtas pa ring kainin ang mga inangkat na bigas ng pamahalaan na tinamaan ng bukbok.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, dapat lamang ay hugasan at lutuing mabuti ang mga binukbok na bigas.
Sinabi pa ng kalihim na hindi rin makakaapekto sa kalusugan ng taon ang ginawang fumigation ng National Food Authority (NFA) sa mga binukbok na bigas dahil ang kemikal aniyang ginamit para patayin ang mga bukbok na ito ay dumaan sa masusing pagsusuri ng fertilizer ang pesticide authority.
Una rito sinabi ni Piñol na handa siyang kumain ng binukbok na bigas para patunayang ligtas pa ring kainin ang mga ito.
—-