Suportado ni dating Pangulo at ngayo’y House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang posibleng pagpapalawig ng batas militar sa Mindanao matapos ang pagsabog na nangyari sa Sultan Kudarat na ikinasawi ng tatlo (3) katao.
Ayon kay Arroyo, nauunawaan niya ang mga hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang siya ay naging dati ring Pangulo.
Sinabi pa ni Arroyo na may kapangyarihan si Pangulong Duterte na magdesisyon ukol dito at hindi na kinakailangan pang idikta ng kung sinuman.
Una rito, sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea na tinitingnan ng Malakanyang ang posibilidad na palawigin ang batas militar sa Mindanao matapos ang nasabing insidente.