Nanindigan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na sapat ang P5,000 fuel subsidy ng gobyerno na ipinagkaloob sa mga jeepney driver na apektado ng excise tax sa langis.
Ito’y matapos umangal ang transport group na ACTO dahil sa umano’y kakarampot ang nasabing halaga para umalalay sa araw-araw na gastusin sa kanilang gasolina.
Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, kung tutuusin ay mas malaki ang pondong inilaan ngayon ng pamahalaan para sa pantawid pasada program na nasa halos isang bilyong piso kumpara sa budget nuong 2011.
Bukod dito sinabi ni Delgra na posible pa aniyang tumaas ang allocated budget sa naturang programa sa susunod na taon.