Sumadsad sa Hasa-hasa Shoal sa Spartly Islands ang flagship ng Philippine Navy na BRP Gregorio del Pilar.
Ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP)-Public Affairs Chief, Lt. Col. Noel Detoyato, nagpa-patrol ang barko na patungo sa Ulugan Bay, Palawan nang mangyari ang insidente.
Ipinadala na aniya ng Western Command ang mga barko nito sa lugar upang mag-imbestiga at ibalik ang BRP Gregorio del Pilar sa daungan.
Ang BRP Gregorio del Pilar na segunda-manong barko mula Estados Unidos ay binili ng Pilipinas nuong 2011.
(Ulat ni Jaymark Dagala)
Statement of the Armed Forces of the Philippines (AFP) on August 30 on the agrounding of BRP Gregorio Del Pilar at Hasa hasa Shoal, one of the disputed territories claimed by the Philippines in the West Philippine Sea. | via @jaymarkdagala pic.twitter.com/auem9tTAfg
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) August 30, 2018