Na-contain na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang oil leak sa katubigang sakop ng mga bayan ng Pililia at Morong sa Rizal mula sa solid cement sa Antipolo City.
Ipinabatid sa DWIZ ni Jerome Mateo, Disaster Risk Reduction Management Officer ng Morong na tuluy-tuloy pa rin ang paglilinis sa nasabing tagas.
“Base po sa assessment ng Philipppine Coast Guard ay minimal na lang ang nakadating na lagis sa bayan ng Morong, at ito naman po ay agad nilang nabigyan ng aksyon para hindi na makarating sa Laguna de Bay.” Ani Mateo.
Samantala, nakikipag-ugnayan na ang bayan ng Morong sa Rizal Provincial Government at maging sa kumpanya kung saan nagmula ang tumagas na langis sa katubigang bahagi ng Morong at maging ng bayan ng Pililia.
Ito ayon kay Jerome Mateo, Disaster Risk Reduction Management Officer ng Morong, Rizal ay para makagawa ng mga paraan na hindi na maulit ang oil leak.
“Pag usapan po ang mga bagay-bagay na ukol sa mga kung paano gagawin nang hindi na maulit ang insidente, pero sa tingin ko po ang ating mga punong bayan ngayon ay apektado nito, ang Teresa Rizal at Antipolo City ay nakikipag-ugnayan na po kung paano malulunasan at mape-prevent ang mga ganitong pangyayari.” Pahayag ni Mateo.
Kasabay nito, ipinabatid ni Mateo na nakikipag-usap na sila sa mga mangingisda at magsasaka ng Morong na naapektuhan ng oil leak para sa kaukulang ayuda.
“Sa pakikipagtulungan po naman ng Solid Cement Corporation ay inaasahan naming na ang mga naantalang pangkabuhayang Gawain sa nakalipas na 2 araw ay mabigyan ng ayuda, pero pansamantala an gating pamahalaang local ay ina-assess na po ‘yung kalagayan at nakikipag-ugnayan na po tayo sa kanila kung ano ang maitutulong ng ating pamahalaang lokal.” Dagdag ni Mateo.
By Judith Larino | Kasangga Mo Ang Langit