Ibinabala ng National Economic and Development Authority o NEDA na posibleng umabot sa karagdagang 156.6 hanggang 243.5 billion pesos ang magiging taunang operational expenses ng isang federal government.
Ito ang inihayag ni NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon matapos ang pulong ng mga economic manager ng Duterte administration at miyembro ng Consultative Committee o Con-com.
Aminado si Edillon na hindi siya nakatitiyak kung magiging makatotohanan ang pagpapatupad ng sistemang pederal sa bansa dahil sa kakulangan ng pondo.
Kabilang aniya sa mga maaaring remedyo upang maisakatuparan ang planong pagpapalit ng sistema ng gobyerno ay amyendahan ang local government at administrative codes at tiyaking competent ang mga government employee.
—-