Idinepensa ng Malacañang ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa mga kaso ng rape sa kababaihan.
Sa isang speech sa Mandaue City nitong Huwebes ay nagbiro ang Pangulo na kaya umano maraming kaso ng rape sa Davao City ay dahil marami rin ang magagandang babae sa syudad.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque hindi dapat seryosohin ang pahayag na ito ng Pangulo.
“I don’t think we should give too much weight on what the President says by way of a joke.”
“Some may not approve but you know I can tell you this already: there is a difference between sense of humor in Luzon, Visayas and Mindanao. And from what I have seen myself although I am from Luzon, people in the south, particularly in Cebu and the Visayas, they don’t take things as seriously as people in Luzon.” Ani Roque
Idinagdag ni Roque na alam ng Punong Ehekutibo ang kanyang limitasyon sa kung hanggang saan lang ang kanyang magiging biro.
“I think the President is mature enough to know to what extent he can go and he thinks that it is not putting it too low.” Dagdag ni Roque
Una nang umani ng batikos mula sa mga grupo ng kababaihan ang naging pahayag na ito ni Duterte na anila’y hindi katanggap-tanggap lalo’t mula mismo sa pinakamataas na opisyal ng bansa.
Anila nakakapangamba ang maling mensahe na ibinibigay ng Pangulo na ang pagiging maganda ang dahilan ng rape.—AR
—-