Inamin ng ‘Teen Queen’ na si Kathryn Bernardo na nagulat siya sa ginawang pagbubunyag ni Daniel Padilla sa tunay na estado ng kanilang relasyon.
Sa pagtatanong kasi ng showbiz reporters kay Daniel, umamin itong sila na ni Kathryn at limang taon na rin silang magkarelasyon.
Ayon kay Kathryn, hindi niya ito inaasahan lalo’t halata naman na aniya o open secret ang kanilang pag-iibigan ni Daniel.
Gayunpaman, natuwa na rin si Kathryn sa nangyari dahil ngayon alam na ng lahat ang tunay na estado ng kanilang relasyon ni Daniel ay wala na aniya silang dahilan pa para itago at iwasan ang mga tanong tungkol sa kanilang pag-iibigan.
Ikinatuwa rin ng teen actress ang pagbabago ng isip ni Daniel na magkaroon sila ng beach wedding sa halip na church wedding.
Kwento ni Kathryn, siya ang may gusto at pangarap aniya niyang makasal sa beach.
A post shared by Daniel (@supremo_dp) on