Hinikayat ng CBCP o Catholic Bishop’s Conference of the Philippines ang lahat ng mananampalataya sa buong bansa na manalangin at mag-ayuno bilang tugon sa panawagan ni Pope Francis.
Ito’y makaraang ibunyag ng isang dating apostolic nuncio ang hinggil sa mga nangyaring pang-aabuso ng mga pari gayundin ng iba pang lider ng simbahan sa mga kabataan partikular na sa Estados Unidos.
Kahapon, nagpalabas ng pastoral statement si CBCP President at Davao Archbishop Romulo Valles kung saan hindi nito naitago ng kaniyang lungkot at pagkadismaya sa naturang usapin.
Kasunod nito, nangako si Valles na walang cover up sa mga ulat ng pang-aabuso ng mga pari dito sa bansa at tiniyak niyang magiging ligtas na lugar para sa mga katoliko lalo na sa mga kabataan ang simbahan.