Dead on the spot ang apat na katao sa nangyaring road accident kaninang madaling araw sa bayan ng Atimonan, lalawigan ng Quezon.
Sa inisyal na ulat ng mga otoridad, sakay ng 10-wheeler delivery van ang mga biktima nang biglang mawalan ng kontrol sa manibela ang drayber kaya’t nahulog ito sa bangin at agad na nagliyab.
Kinabibilangan ang mga nasawi ng dalawang drayber at dalawang pahinante.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente at inaalam narin ang pagkakakilanlan ng mga biktima.
Base sa talaan ng mga otoridad, simula buwan ng Marso ng kasalukuyang taon, anim na road accidents na ang nangyari sa Atimonan, Quezon na nagresulta sa pagkamatay ng walong katao.