Kanselado na ang nakatakdang pagdalo ni US President Donald Trump sa Asian Leaders Summit sa buwan ng Nobyembre.
Ito’y ayon kay White House spokesperson Sarah Sanders matapos ihayag nito na dadalo si Trump sa ika-isandaang anibersaryo ng pagtatapos ng World War 1.
Sasamantalahin din umano ni Trump ang pagdalo sa G20 Summit na gagawin sa Buenos Aires at Colombia.
Gagawin ang Asian Leaders Summit sa Singapore at Papua New Guinea.