Posibleng ikamatay na ng sektor ng agrikultura ang panukalang gawin nang ligal ang operasyon ng rice smuggling sa Zamboanga City.
Iyan ang ibinabala sa DWIZ ni Senador JV Ejercito kasunod ng isinusulong ni Agriculture Secretary Manny Piñol na paglalagay ng rice trading centers sa mga lalawigan ng Basilan, Sulu at Tawi-Tawi at pagpapataw ng taripa sa mga inaangkat na produkto.
Magugunitang si Ejercito ang may-akda ng Republic Act 10845 na nagtuturing sa large scale smuggling bilang pananabotahe sa ekonomiya.
Nalulungkot ako sa development lalo na sa rice production especially sa suggestion na gawing legal na ang smuggling. Ako ang principal author anti-agri smuggling law at ang intensyon dahil rampant ang smuggling noon pag pumasok ang smuggled na bigas, sibuyas, bawang bagsak ang presyo ng palay. Kawawa ang mga magsasaka kaya nga heinous crime na ‘yan, considered economic sabotage kasi 70% ng populasyon ay nakaasa pa rin sa sektor ng agrikultura. Pahayag ni Ejercito
Giit ni Ejercito, tiyak na malalagay sa alanganin ang mga lokal na magsasaka na siyang itinuturing na pinakamahirap na sektor ng lipunan.
Apektado ang ekonomiya pag walang kita ang magsasaka walang kita ang buong ekonomiya ng isang lugar. Ang pinakaworry ko dito sa problemang ito gusto na nila isaligal ang mga nagpapasok ng bigas eh paano naman ang ating magsasaka na isa sa pinakamahirap na sektor…. paano na ang mga magsasaka baka tuluyan nang mamamatay ang sektor ng agrikultura baka pag nagtagal Farmville na laro na lang wala nang tunay na Farmville. Paliwanag ni Ejercito