Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility o PAR ang bagyong Maymay, dakong alas-11:00 kagabi.
Alas-10:00 kagabi, huling namataan ang bagyong Maymay sa layong 1,345 kilometro silangan hilagang silangan ng Basco, Batanes.
Napanitili nito ang lakas na aabot sa 190 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 235 kilometro kada oras.
Patuloy itong kumikilos sa direksyong hilaga kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Ayon sa PAGASA, walang magiging direktang epekto ang bagyong Maymay sa bansa.
—-