Pinakilos ng Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine National Police (PNP) at Department of Interior and Local Government (DILG) para salakayin ang mga bodega ng mga rice hoarder.
Kasunod na rin ito nang isinagawang cabinet meeting ng pangulo at mga miyembro ng gabinete sa loob mismo ng eroplano habang patungo ng Israel.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, mismong si DILG-OIC Eduardo Año ang inatasan ng pangulo na ipasalakay sa mga pulis ang mga bodega ng mga negosyanteng pinaniniwalaang nagtatago ng bigas.
Sinabi ni Roque na dismayado na ang pangulo dahil ginagamit ng isyu ng mga kalaban ng administrasyon ang supply ng bigas kaya’t para matapos na ang problema rito ay nais aniya ng pangulo na masampulan ang rice hoarders.