Kinumpirma ng US forces ang pagkakapatay sa lider ng ISIS sa Afghanistan sa isang airstrike sa August 25 sa Nangarhar Province.
Kinilala ang nasabing lider ng ISIS na si Abu Sayed Orakzai na madaling natunton ng mga otoridad ang kinaroroonan dahil sa pakikipag tulungan ng mga sibilyan sa lugar.
Sa report ng National Directorate of Security ng Afghanistan, kasama ni orakzai ang 10 pang mga tauhan nito.
Ayon kay General Scott Miller, commander ng US at NATO forces sa Afghanistan, si Orakzai ay ikatlong lider ng ISIS sa Afghanistan na napatay ng tropa ng US mula pa nuong 2016.