Idinepensa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang rape joke matapos itong umani ng mga batikos.
Sa harap ng Filipino community sa Israel, inihayag ng pangulo na mali ang naging pagkakaunawa sa kanyang biro na kaya tumaas ang kaso ng rape sa Davao City ay dahil sa dami ng magandang babae sa lungsod.
Kasabay nito iginiit ni Pangulong Duterte ang kanyang naging pahayag ay bahagi ng demokrasya at karapatan sa pagpapahayag.
“Sabihin na naman nila na misogynist ako…kahit itong mga ano magsabi ka lang maraming rape sa Davao. Sabi ko siguro kasi maraming maganda sa Davao hindi ko naman sinabi ni-rape lahat yan.” Pahayag ni Duterte.
Samantala, sa hindi inaasahang pagkakataon ay humingi ng paumanhin ang punong ehekutibo kay dating US President Barack Obama.
Kaugnay ito sa kanyang mga banat at pagmumura kay Obama na bumatikos sa ‘war on drugs’ ng Duterte administration.
“I am sorry for uttering these words. No it was just a play na, talkatist or so like yours we have learned our lessons very well. Nagkakaintindihan tayo so if it is to your heart to forgive, you forgive. I have forgiven you.” Ani Duterte.